Thursday, November 6, 2025

Ideolohiya. Pulitikal at Organisasyunal

Ang pagtatayu ng Partido Pulitikal hindi basta basta ginagawa. Dapat magsimula muna sa pagiging Pambansang Kilusan ng Lahing Kayumanggi halimbawa. 

Naglalatag ka ng pundasyon ng mga taong nakakaintindi at nakakaunawa ng iyung Ideolohiya, Pulitikal at Organisasyunal na layuning Pambansa Sosyal at Kultural. Dapat malinaw sa isip mo kung anu gusto mong mangyari. Tiyak at Direkta.

Makuha natin ang 100% ng kasapian kung maari sa maximum at pagtulong ng buong Sambayanan. Mahalaga ito dahil nangangailangan ka ng Lakas at Enerhiya ng Taumbayan.

Ang Mali nasa pagbalangkas ng mga Partido Pulitikal ng malinaw ng programang pampamahalaan. 

Salat sila sa mga malalim pagsusuring panlipunan kayat mababaw ang kanilang mga pamantayang Sosyal at Pulitikal dahil dito hindi natuturuan ang mga tao na mag isip ng kritikal at may lahatang panig na pagtingin sa mga suliraning panlipunan. Papaanu mo aatakihin ang problema kung wala kang malinaw na pagsusuri sa kinakaharap mong suliranin. Matalas na Panlipunang Imbestigasyon at Pagsusuri. 

Ang sistemang pamapartido sa ating Bansa salat sa mga kailangan pagtugon sa mga kritikal na sangay ng ating lipunan. Wala silang komprehensibong programa halimbawa sa Agrarian Reform Prog kung mayruon wala itong layuning ipatupad. Ang AIR - Agrarian Industrial Revolution. Kaakibat ng Reseach, Development and Intelligence RDI.

Ang isyu ng Pambansang Industriyalisasyon. Marami nang nagmungkahi tungkol dito pero walang silang kakayahang ipatupad ang mga simuliang ito. Mas gusto pa nilang umasa ang Bansa mga "investor" mga dayuhang mamumuhunan. Imbis na linangin ang sariling mga kakayahan pang industriyal, bokasyunal at agrikultural. May kanya kanya namang tayung talino; abilidad at talento na angkop sa ating Pambansang pangangaulangan.

Umasa at sumandig tayu sa ating sariling lakas at enerhiyang panlipunan kung papaanung ang 120 milyung Mamamayan mapapakilos para sa isang Sosyal Konstraksyon.

May tatlong balangkas ang pagtatayu ng Partido Pulitikal. 

UNA. ang Ideolohiya na taglay ng iyung Partido. Ang iyung Mindset o Pananaw Panlipunan o Social World Outlook. Ito ang iyung gabayPANGALAWA. Ang Tindig Pulitikal kung papaanu ito isasagawa mga praktikal na hakbang ng pagbaba sa karamihang tao at direktang pakikisalamuhan sa lahat. Mga Programang Nasyunal Sosyal at Probinsyal.

PANGATLO. Ang angkop na Organisasyunal na linya o daloy ng o transmission belt mga people's org, indibidwal o kapatiran para dalhin ang mga ideolohiya pulitikal at organisasyunal na programa sa mga tao. Praktikal na pagsasagawa, kilos sa aktwal na mga problemang kinakaharap. Hands On wika ka nga.

Kombinasyon ng Propagandista, Matalino at Marangal praktikal na Pinuno at Organisasyunal na Pinuno...

No comments:

Manual Labor

 Abolish the Servitude to Interest on Money. But inflation and economic scarcity are mechanisms of control for creating artificial social cr...