Sa tingin kase ng Mamamayan ang talagang magkaaway at magkaiba ang pamantayan sa prinsipyu at simulain, gusto nila durog ang kabilang pangkat lalupa kung wala nang dahilang magkabalikan pa.
Hindi sanay ang Taumbayan na ang mortal na magkaaway, nagkakamayan at nagbabati. Dahil kapag ganya, iisipin ng kabilang panig na hindi ka sadlak o tunay sa iyung simulain at tunguhin. Madali kang mapilay at mauto. Mas gusto ng Mamamayan na may nadudurog at natatalo sa paraang hindi na ito makakabalik at hindi na sakit ng ulo ng mga Tao. Kung madali kang masindak at panghinaan ng loob ang mga Taong sumasang-ayun at sumusuporta syu, mawawalan ng tiwala at pag-asa.
Kung ikaw na nagdadala ng isang uri ng tunggalian, simulain, tindig at hindi mo kayang dalhin sa pinakarurok ng labanan. Sa tamang konklusyong o katapusan ng lahat, pagdududahan ka ng Taumbayan sa kagustuhan mong tapusin ang labanan. Kung uurong ka at magiging matamlay sa gitna ng lahat, ang Mamamayan na mismo ang magdududa sa iyung mga simulain na hindi mo kayang tapos.
Maari ka namang mamahinga, magdahan dahan at maghintay ng wasto at Tamang pagkakataun para bumalik. Bumalik na mas malakas, kumpara sa una mong hakbang. Mas determinado, payak, tumbok at ganap.
No comments:
Post a Comment