Wednesday, April 1, 2009

LIPUNAN AT REBOLUSYUNARYONG ANARKISMO


I. KAHULUGAN


1.BAKIT ANARKISMO?

Ang salitang Anarkismo, halaw sa salitng Griyego, anarchus. Ibig sabihin walang hari. Ang “an” nangangahulugang wala. Ang “archus” nangangahulugang hari. Kaya’t ang kahulugan walang hari. Anarchus, “without a ruler.”

2. ANG MAKASAYSAYANG SALIK

Unang ginamit at pinatanyag ng teoritisyang Ruso si Peter Kropotkin. Gayundin si Michael Bakunin na nagsabuhay nito sa panahhon ng pag-usbong ng Kilusang Proletaryong Rebolusyon sa Yuropa (1848-1892).

Sa Yuropa, ang kasaysayan ng kilusang komunista at kilusang anarkista, magkasabay na umusbong at tinanggap ng malawak na bilang ng mamamayan, lalung-laluna ng manggagawa at magsasaka. Katunayan, ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng Unang Pandaigdigang Kilusang Proletaryo sa pamumuno nina Karl Marx at Friedrich Engels, at pagsulpot ng kilusang proletaryong anarkista sa pamumuno ni Michael Bakunin.

Nagsimula ang pagkakahati sa dalawang panig, ang tinaguriang otoritaryan o ang diktadura ng proletaryo sa kilusang paggawa at ang kilusang paggawa na libertaryan. Ang pagsilang ng partido komunista sa panig nina Karl Marx at Friedrich Engels bilang partido pulitikal ng rebolusyunaryong proletaryo at ang pagsilang ng libertaryang rebolusyunaryo kilusang proletaryo sa panig ni Michael Bakunin, ang proletaryo rebolusyunaryong kilusang anarkista.

Anumang samahan, organisasyon, kilusan may nakatakdang panahon at buhay ito. Ito ang nagtatakda kung ang isang kaisipan at kulturng nililinang ng anumang samahan, magpapatuloy o magwawakas. Ang panahon at kalagayang panlipunan sa kasaysayan ang sangkatauhan, ang siyang nagtatakda-sukatan ng kawastuhan ng ideolohiyang natuklasan at sinasabuhay ng tao.

Ang pagsilang ng proletaryong kilusang masa, mauugat pa mula sa lipunang alipin at ang mga kaakibat na ebolusyon at pagbabago sa kabuhayang panlipunan, sa ekonomiya, kultura, sa pulitika at malalaking himagsikan ng pinaghahariang uri sa buong panahon sa kasaysayan ng tao hanggang sa ngayon. Ayon kay Karl Marx, may anim na yugto ang lipunan; ang lipunang komunal, lipunang alipin, lipunang pyudal, lipunang kapitalista at lipunang sosyalista.

Maliban sa primitibo-komunal at lipunang komunista, ang lipunang alipin, pyudal, kapitalista at ang mga tinaguriang bansang sosyalista sa ating panahon, naglalarawan pa rin ng pananatili ng mga uri, ang tunggalian ng kasarian at mga uri, ang walang humpay na pang-aapi at pagsasamantala, tunggalian ng paniniwalang relihiyon hinggil sa diyos, tunggalian ng lahi sa lahi, himagsikan ng mga bansa at mamamayan laban sa imperyalistang bansa, ang pangkalatahang pagbaba ng puri at dangal ng tao at pagpapatayan ng tao sa tao. Lahat ng ito, mauugat sa pananatili at pag-iral ng kapitalistang pagsasamantala at pananatili ng mga gubyerno laban sa sangkatauhan.

Kaya nga lahat ng taong nabubuhay mula sa lipunang alipin hanggang sa kasalukuyang panahon, lahat nagnanais na ituwid ang kaayusang ito. Kung hindi man umiwas sa kasalukuyang katayuan ng buhay ng tao sa sanlibutan. Ngunit ang bawat isa hindi ligtas sa katotohanang ito sa ating panahon. Dapat tayong mamili-magpasya kung tayo, maghahangad pang pagharian ng ating kapwa at ng gubyerno sa hinaharap.

Ang iba’t-ibang gubyerno na naitayo ng tao katulad ng monarkiya, dinastiya, diktadura, hunta-militar, demokratikong gubyerno, demokratikong republika, demokratikong estado, sosyalistang estado at otoritaryanismo, lahat ng ito mga anyo ng paghahari ng tao sa tao. Ang kapangyarihang-pulitikal na kaakibat ng mga gubyerno, at paghahari-harian ng tao, walang naidulot na kabutihan sa sangkatauhan.

Ang 70 taong pagkakatayo ng Unyong Sobyet mula 1920 hanggang 1990 at ang pagbagsak ng estadong sosyalista sa pamumuno ng partido komunista, pagpapatunay na anumang anyong pulitikal na paghahari ng tao sa tao, nakatakdang magwakas. Ang paghiwalay ng 15 republika na bumubuo sa Unyong Sobyet, nagpapatotoo sa dating nang paratang ng rebolusyunaryong anarkista na ang pagtatayo ng estadong sosyalista, di magtitiyak ng landas patungo sa lipunang walang-uri at walang gubyerno. Idagdag pa rito ang malaking burukrasya nilikha ng partido na kumukubabaw sa malawak na bilang ng uring mangagagawa.

Maging Si Trotsky (tagapagtatag ng pulang hukbo, pinapatay ni Stalin) sa kanyang “The Revolution Betrayed” naglahad ng mga natatanging pagda-usdos ng “gubyerno ng manggagawa at magsasaka.” Si Volin sa kanyang “The Unknown Revolution” nagsalaysay sa pakikibaka ng mamamayan sa Kronstadt, Ukraine at ng Makhnovist Insurrectionary Army, nagpatunay din sa mga kamalian ng partido Bolshevik bago pa maipagtagumpay ang rebolusyong Ruso 1917.

Sa mga indibidwal, rebolusyunaryo, grupo-samahan at organisasyon di pa huli para sa rebolusyunaryong pagbabago. Pag-aralan natin lahat kung maaari, lahat tungkol sa rebolusyon.


II. PAHAHAMBING

1. ANG MATERYALISMONG DIALEKTIKO

Walang bagay sa kalawakan, daigdig at lipunan na di bat-bat ng pagbabago, mula sa maliliit na bagay, simple at kumplekado. Ito ang batas ng kalikasan na di mapapasubalian. Ito ang buod ng materyalismong dialektiko. Ang ubod ng pagbabago ng mga bagay sa loob nito.

Pag-aralan ang batas ng kemistri, ang mga elemento, compound at mixture pawang pagpapakita ng pagbabago sa loob ng mga bagay. Ang komposisyong kemikal ang nagpapatunay kung matigas, malambot, malabnaw o malapot ang mga bagay. Isa ibang salita, ang kemistri, pag-aaral tungkol sa kantitatibong pagbabago (quantitative change) tungo sa kalitatibong pagbabago (qualitiative change). Ito’y aralin hinggil sa buhay kemikal ng mga bagay.

Ang araw ang siyang pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya ng tao, hayop, halaman, puno’t gubat, ng kapaligiran at daigdig, ng lahat ng buhay sa kalawakan. Kung wala ang araw walang proseso ng buhay sa daigdig. Kung wala rin ang bolang araw sa kalagitnaan ng mundo, walang gravity at hindi iikot ang mundo. Ito ang dahilang kung bakit may magneto ang hilaga at timog.

Kung wala ang buwan ang mundo biglang papaling pakanan, pakaliwa. Biglang tataas ang tubig, bigla ring huhupa. Kung walang buwan, ang ikot ng mundo, magpapabaling baleng kung saan saan. Ang buwan ang nagbabalanse sa ikot ng mundo - ito rin ang dahilan kung bakit may araw at gabi. Ang magnetismo ng buwan ang nagtitiyak na permanente ang aksis ng mundo. Ito rin ang dahilan kung bakit may 12 oras ang umaga, 12 oras ang gabi. Nagsisimula ang umaga ng ika-6 at nagtatapos sa ika-6 ng hapon.

Ang pagtuklas sa batas ng kalikasan ang siyang saligang batayan sa pag-aaral ng materyalismong dialektiko at materyalismong istoriko. Ito ang tinaguriang siyensya ng lipunan.

Ang Anarkismo, katulad din ng ibang kaisipang pulitikal, Ito’y isang ideolohiya. Itinuturing na pinaka-radikal na kaisipang pampulitika.

Itinuturo ng kaisipang ito, na walang mga bagay, relasyon, sistema o kaayusang panlipunan na nananatili habang panahon. Lahat ng nakalipas na sistema ng paghahari ng tao sa tao, mga imperyo at sistemang pang-ekonomiya na nakapagsasamantala sa tao, ibinabagsak ng paghihimagsik ng mamamayan. Tinutumbok-tinatahak ang pagwasak sa lahat ng uri-anyo ng pagsasamantala ng tao sa tao, upang magbigay daan sa panibagong kalayaang panlipunan para sa lahat. Binubuksang daan pinto para sa walang humpay na pagbabago ng tao, ekonomiya at lipunan.

Mula nuon hanggang ngayon, ang mga himagsikan, nauuwi sa pagbagsak ng isang paghahari para suportahan ang panibagong paghahari laban sa taumbayan. Pagpapalit lamang ng itsura o mukha ng panibagong kapangyarihang pulitikal. Mga rebolusyong hindi lubos na nagwawasak ng mga ugat ng panlipunang-sigalot at pang-aapi. Ang mga grupong pampulitika, naghahanay-hanay upang isulong ang kanya-kanyang pang-ekonomiyang interes. Sa Kabilang banda naman, ang mamamayan o ilang bahagi ng taumbayan, tumutulong sa ilang grupong pampulitika para iluklok sa kapangyarihan. Ang partidismo, isang uri ng pampulitikang pagkakahanay na halas pa sa yuropa. Ito'y isang dayuhang kaisipan na hindi umaakma sa panganganilangan ng ating lipunan bilang arkipelagong bayan o pulu-pulong bansa.

Ito ang karaniwang pagkakamali ng mga rebolusyunaryo at ng mamamayan, nauuwi sa wala ang mga pagsusumikap na mapakilos ang taumbayan, sapagkat nasagkaan ng pampulitikang grupo na hangad maghari. Lagi nang ang mamamayan o ang malawak na bilang ng taumbayan ang napagsasamantalahan. Walang hanggang katayuang lagi nang kanahihinatnan ng mga rebolusyon.

Ang rebolusyunaryong katipunan, kailanman ay hindi partido pulitikal. Ito'y isang rebolusyunayong alyansa ng mga magsasaka at manggagawa. Katunayan, mas mabilis na lumawak ang kasapian ng isang rebolusyunaryong alyansa kumpara sa isang partido pulitikal at mas malawak ang saklaw.

Kailanman hindi pa naganap ang lubos na pagkawasak sa mga ugat ng panlipunan-sigalot at kahirapan. Lalagi nang nagtatagumpay ang mga kampon na nagpapanatili sa mapagsamantalang kaayusang panlipunan. Sinumang tapat na rebolusyunaryo, nagnanais kumilos para sa paglaya ng nakakarami, nararapat wakasan ang anumang uri-anyo ng paghahari-harian ng tao sa tao. Pawiin ang hirarkiyang daloy ng organisasyon. Magbubunga ito ng walang hanggang kalayaan para sa relasyong panlipunan. Kalayaang gumawa ng wasto nang walang kinikilingan at tinitingalang hari o diyos.

Mula rito, masasabing ang sangkatauhan, naglakbay na mula sa masalimuot na kasaysayan patungo sa maaliwalas at bagong bukas.


2. ANG MATERYALISMONG ISTORIKO

Itinuturo ang materyalismong istoriko na ang pang-ekonomiyang pag-unlad ang siyang pinamalakas na ugyok at nag-uugnay sa tao para umunlad at maghangad ng kakaibang anyo ng buhay.

Sa bawat pag-unlad sa kabuhayan ng tao, unang-una rito ang paraan sa produksyon, kagamitan sa produksyon at pwaersa sa produksyon. Dito nakasalalay kung anung uri ng lipunan ang umiiral sapagkat ipinakikita ng sistema ng produksyon kung ano ang kaayusang panlipunan mayruon tayo. Dito rin mauugat ang mga pananaw ng tao batay sa paglahok nila sa produksyon. Dito rin napatutunayan ang katumpakan ng anumang kaisipang panlipunan. Ang produksyon ng materyal na kabuhayan ng tao, ang siyang pinag-uugatan ng lahat ng panlipunang pagbabago. Ang kultura, kaugalian, pananaw ng tao sa kapaligiran at daigdig, mga institusyong binubuhay ng umiiral na sistema ng produksyon, lahat ng mga ito, naka-ugat sa panlipunang relasyon sa produksyon ng materyal na kabuhayan ng tao.

Sa pagtuklas ng makabagong paraan sa produksyon, itinutulak ang lipunan sa mas maunlad na sistema ng pamumuhay, kaalinsabay nito, ang pag-unlad ng panibagong kaisipan at kasanayan. Ngunit sa bawat yugto ng pag-ulad sa produksyon pansamantala nitong sinasagkaan ang dati nang umiiral na sistema at relasyon sa produksyon. Kaya’t pana-panahon sumusulpot o umuusbong ang bagong krisis sa ekonomiya.

Ang pribadong pagmamay-ari sa kagamitan sa produksyon, nagtutulak naman sa lipunan ng labis o sobrang bilang ng paggawa ng mga produkto na lampas sa pangangailangan ng tao, sapagkat ito’y walang plano, ang mga produkto, hindi naman naipamigay sa tao ng libre bagamat ito’y bunga ng lakas-paggawa ng manggagawa. Pangunahing udyok dito ang kumitan ng labis o sobrang ganansya sa paraan ng salapi. Bunga nito, sinisira ang tunay at totoong pangangailangan ng tao, labis na produkto hindi naman maangkin ng taumbayan at ng manggagawa. Dagdag pa, ang pinagkukunan ng enerhiya o lakas para sa pag-inog ng produksyon, nakapagdudulot din ng pagbabago sa kapaligirang-panlipunan. Sa kasalukuyan, sinisira nito ang likas na yaman ng daigdig at nagbubunga pa ng malaganap na ekolohiyang polusyon. Masasabing ang kabuuang sistema ng kapitalistang produksyon, hindi na umaakma sa tunay na pangangaialangan ng mamamayan ng daigdig. Nagdududlot ngayon ng pandaigdigang krisis sa pangkalahatang sistema ng produksyon at relasyong panlipunan.

Mahalaga ang rebolusyunaryong pag-unlad ng pangkalahatan kamulatang panlipunan ng taumbayan, ngunit mas higit na mapagpasya ang patutunguhan ng Rebolusyong Panlipunan (Social Revolution) o ang landas ng rebolusyunaryong pagbabago sapagkat ito ang magtitiyak sa kinabukasan ng sangkatauhan.

Dito pumapasok ang mahalagang paglilinaw o usapin para sa rebolusyong panlipunan. Ang pagwasak at pagwawakas sa dating relasyong panlipunan na nagpapanatili sa mapagsamantala at mapang-aping kaayusan. Ang pag-igkas sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Itinuturo ng rebolusyuanaryong anarkismo, hindi nararapat magtayo ng kapangyarihang-pulitikal ang rebolusyunaryong mamamayan, sapagkat ang mismong lakas ng rebolusyunaryong kilusan, ang siyang nang ugat at saligan ng rebolusyunaryong lakas, ang malawak na masa ng mamamayan. Wala nang makakapigil rito. Hindi na kailangan pang magtatag ng isang gubyerno o kapangyarihang-pulitikal para sa direksyon o nagdikta sa tamang landas ng rebolusyong panlipunan, sapagkat sasagka muli ang paghaharing ito sa interes ng taumbayan. Aral ito sa kasaysayan ng tao.

Dapat susugan ang teoritikal na prinsipyo ng siyentikong sosyalismo, ang lipunang walang-uri at walang gubyerno at iayon ang organisasyunal na tunguhin ng rebolusyunaryong kilusan dito. Maliligaw ang rebolusyunaryong mamamayan mula sa teoritikal na batayan ng siyentipikong komunismo kapag itinayo muli ang panibagong paghahari o ang sinasabing “gubyerno ng mamamayan.” Sapagkat walang tunay na gubyerno ng mamamayan. Ilusyon ito.

Ang ating layunin; itayo ang tunay na lipunan ng tao at hindi ang kapangyarihang-pulitikal. Ito’y isang kapahamakang pangkasaysayan. Hindi na dapat pang maulit.

Isinilang ang kapangyarihang-pulitikal kasabay ng pagsilang ng mga uri at tunggalian ng mga uri batay sa pagkontrol sa kagamitan sa produksyon, ang pribadong pagmamay-ari rito. Kaya’y kinakailangan ang gubyerno para magsa-ayos sa tunggaliang ito o mamagitan sa panig ng mga naghaharing-uri. Pagpawi sa pribadong pagmamay-ari sa produksyon ang target ng rebolusyong panlipunan.

Pagsasakamay ng kagamitan sa produksyon mula sa rebolusyunaryo proletaryong kilusan, ang pinakamahalagang layunin ng siyentipikong sosyalismo para patakbuhin ayon sa interes ng indibidwal, ng mamamayan at lipunan. Likhain ang pinakamainam na kondisyon para sa walang humpay na pag-unlad ng tao at lipunan.

May produksyon na batay sa mga partikular na pangangailangan ng tao at may produksyon ayon naman sa interes na mamamayan. Ang pananamit, pagkain at pabahay ang siya pa ring batayang pangangailangan ng tao. Magbabago ang anyo ng mga ito, ngunit hindi ang halaga nito sa araw-araw. Hindi ito magbabago kelanman anumang marating ng tao sa hinaharap.

Hindi likas sa tao ang mapagsamantala at mapang-api. Lahat ng bagay na di likas, nakatakdang magwakas. Katulad na ang pribadong pagmamay-ari sa produksyon, hindi likas at ang pagkakahati ng tao sa mga uri, ang paggamit ng salapi kapalit ng halaga ng produkto at lakas-paggawa. Ito’y magwawakas.

Ang lipunan ang siyang tirahan ng tao. Magagawa ng tao paunlarin ang kanyang intelektwal, kaisipan-kalusugan, pangangatakawan, kasanayan-kakayahan at katalinuhan kung hindi na sagka ang pang-ekonomiyang pagdarahop at kahirapan ng lahat ng tao sa daigdig.

Sa pagkakataong ito, lahat ng tao makakahalok na para sa walang humpay na pag-unlad ng siyensya, industriya at teknolohiya para sa ikabubuti at kasaganaan ng pamumuhay ng tao sa lipunan.

Pinakamataas ang layunin na hangarin, ang lipunang walang-uri at walang gubyerno. ito ang natatanging lipunang dapat hangarin ng tao, natupad na palaisipan sa kasaysayan ng sangkatauhan.




Ambag para sa Rebolusyunaryo Anarkistang sulatin
Ariel Eric “AiE” Robedizo / 19 Agosto, 1998 / AERO

3 comments:

http://penpen-poems.blogspot.com/ said...
This comment has been removed by a blog administrator.
aerospace_66 said...

Ok bro salamat

http://penpen-poems.blogspot.com/ said...
This comment has been removed by a blog administrator.