Mag-aral tayu ng wastong Pagbibiyak, Paghahambing at Paghihimay sa aspetong Oganisasyunal.
Ayun sa Demokratiko Sentralismo ng PKP at lahat ng organisasyon na nasa ilalim at pamumuno nito.
1. Ang indibidwal ay nakapa-ilalim sa organisasyon.
2. Ang nakababang organo ay nakapa-ilalim sa nakatataas na organo.
3. Ang minurya ay nakapa-ilalaim sa mayurya.
Ang organo sa pagitan ng mga probinsya at rehiyon na organisasyon ay binubuklod ng Pambansang Kongreso at ang Pambansang Kongreso ay nakapailalim sa pamumuno ng Komite Sentral ng PKP.
Suriing Mabuti at Unawain.
Ang organisasyunal na batas ng PKP kung susuriin ng maigi at hihimayin ng mabuti na may bukas na pag-iisip, naglalarawan ito ng hirarkiyal at baytang baytang na pagkakaayus at daloy ng panloob na organisasyon. Sa esensya hindi ito "demokratiko" bagkus nag-aanyo at nagpapanggap na demokratiko.
Suriin na ang 1,2,3 batas ng Demokratiko Sentralismo, hindi naman tunay na demokratiko sapagkat tinitingnan nito ang daloy ng organisasyon na mekanikal at walang buhay.
UNA. Mali na sabihing, ang indibidwal, "nakapa-ilalim sa organisasyon". Ang tamang pagsasalin sa wika. Ang Indibidwal ang siyang Bumubuo ng organisasyon. Sapagkat kung wala ang indibidwal walang maituturing na grupo. Lahat ng kilusan, grupo o organisasyon nagsisimula sa maliit na grupo o indibidwal. Kung wala ang indibidwal, anu ang halaga ng grupo o organisasyon?. Maling sabihin na "nakapa-ilalim" ang indibidwal sa organisasyon. Hindi ito ang tamang salita.
PANGALAWA. Maling sabihin na ang "nakababang organo ay nakapa-ilalim sa nakakataas na organo". Sinu ang tinutukoy nating "nakababa at nakakataas na organo?" Ang mga elitistang pinuno? Nangangahulugan lamang na walang karapatan ang "nakababang organo" sapagkat lage itong nasasaklawan ng "nakakataas na organo". Anumang disisyon mula sa "itaas" saan mang kupalop ang "nakakataas na yan", susunod lamang ang mga "nakababang organo. Tuntungan lamang ng "nakakataas na organo ang mga nakababang organo." Sa dulo, lilikha ito ng paksyong paksyong grupo sa loob ng isang kilusan.
PANGATLO. Maling sabihin ang Minurya ay nakapa-ilalim sa Mayurya. Sinasaklawan kaagad ang independyenteng o malayang galaw ng Minurya at walang itong karapatan sa kanyang sarili sapagkat nasasaklawan siya ng Mayuryang grupo.
Ang wastong konsepto o ang tamang kaisipan, ganito. Ang hiway hiwalay na grupo o maliliit na pangkat pangkat, indibidwal, grupo o kapatiran, kapag pinagbuklud buklod natin sila sa sa kalaunan, nagiging malaking grupo na o nagiging Mayuryang grupo na sila. Sapagkat kapag ang mga indibidwal na siyang Bumubuo ng grupo o kilusan kapag nagsama sama sa Proseso maging Mayurya na sila.
Isa itong Proseso ng Paglawak, Paglaki at Paglapad na parang Ibinuhos na isang Baldeng Tubig sa Kalsada. Isang Buhay at Natural na paglago ng anumang organisasyong. Buhay ay hindi Mekanikal...
Kung gayun ang "demokratikong Sentralismo" nagpapanggap na "demokratiko" ngunit sa esensya monopolyo ng kapangyarihan sa loob ng PKP. Samakatuwid, monopolyo ito ng isang Sentralisadong Partido Pulitikal mula sa itaas.
Kung sinumang Ponsyo Pilato ang Nakakataas.
Lahat ng Partido Komunista sa buong Daigdig saan mang lupalop ito. Iisang ang batas ng kanilang Sistemang Organisasyunal...